Lagi akong nagtatanong kung pinapabayaan na lang Niya ko sa buhay ko. Di ko na kasi masukat kung kailan darating ang swerte at kamalasan sa araw-araw kong pakikipaglaban sa buhay: mula sa pamilya, mga kaibigan, kasama sa klase at organisasyon, si Spiderman (hmm issue? hindi a. curious ka lang. imaginary friend ko ‘yan), hanggang sa paghubog ko sa sarili kong pagkatao. Pero kanina lang, napagtanto kong andyan pa rin Siya, nagbabantay lang at DI AKO IIWAN.
Pauwi na kami ni Monica sa BiƱan. Yehey matapos ang isang weekend na di pag-uwi, makakahiga na naman ako sa malapad kong kama. Kaya pagbaba namin sa tapat ng Saint Rose Terminal, naglakad na kami papuntang terminal katabi ng Walter Mart (sa Southwoods Exit kasi dumadaan yung jeep. mas mapapalapit kasi kami at makakamura sa pamasahe). Pagdating namin, halos paalis na; 4 na lang lalakad na. Nagdalawang-isip pa ko kung sasakay kami sa byaheng ‘yun kasi malaki ang dala kong gym bag. Baka kasi makaperwisyo pa ko sa mga nakasakay dun. Pero gusto na namin parehong umuwi kaya sumiksik na kami sa loob.
Matapos sumakay ang dalawa pang pasahero, lumakad na kami. Yehey may pumapasok nang hangin sa loob ng jeep. Ang init kasi, iba pa ang amoy. Haay. Tapos, nararamdaman kong mas bumilis ang takbo namin. Nasa expressway na pala kami. Dama ng lahat ng pasahero ang harurot ng drayber. Maya-maya, nasa tollway na kami. As in ang bilis. Parang natatae yung drayber namin sa bilis ng pagmamaneho. Siguro after 15 minutes nasa may Sta Rosa o sa Mamplasan na kami. Hindi ko na alam, basta mabilis siyang magpatakbo.
Maya-maya, medyo bumagal na. Merging traffic na kasi sa may bandang Carmona. Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano kasi talagang nakakalunod yung hangin galing sa bintana ng jeep. Ang hindi namin alam, sobrang tutok pala niya sa sinusundan niyang sasakyan, isang mini-truck to be exact. Matapos ng ilang saglit, inapakan ng drayber ang breaks. NANG MATINDI. Lahat ng pasahero napasandal sa katabi nila papunta sa unahan. Tapos, *DUG!*. Ayun, nabangga niya ang mini-truck sa harapan niya. Kaming mga pasahero, ipit na ipit. May mga napatayo pa nga sa upuan nila e. May ibang napasubasob na lang para hindi maipit. At ako, haaay, PAAIINFUULLL! Naramdaman kong nag-crack ang pelvic bone ko sa lakas ng breaks. Isabay pa ang pagkaipit ng siko ko nang dumungaw yung mamang katabi ko sa labas. Naamaaan talaga o.
Bumaba si drayber para makipag-usap sa naperwisyong mini-truck sa unahan namin. Habang nangyayari ang pag-uusap, kami sa loob ng jeep, uber kunsumisyon na ang inabot kasi naipit lahat. Yung katabi ko pang mama nagsabi pang, "Buti na lang mabagal ang takbo namin. Kung ‘yung kaninang mabilis ang takbo natin tapos bumangga tayo, siguradong PATAY tayong lahat."
OMG. Sa utak ko, nag-panic ako. Kasi kung nangyari nga iyon, wala na ko ngayong nagsusulat nitong blog entry. Siguro sa balita niyo na malalaman ang sinapit namin. Waah, sobrang pasasalamat ko talaga nung mga panahong iyon! Andaming pumasok sa isip ko nun that doesn’t need disclosure (chaar ang arte) kasi hahaba na ‘tong entry ko. Ramdam ko pa nga rin ang shock kahit tumabi na kami sa shoulder lane ng expressway. Basta uber grateful ako sa mga nangyari sa ‘min hanggang ngayon.
Ngayon ko lang napagtanto na minamahal pa rin pala ako, kahit di ko Siya nakikita. Kung patuloy akong malulungkot dahil may mga taong hindi ‘yun magawa para sa ‘kin (at sa iba na rin), siguro’y mananatili akong pathetic sa pinakamahabang panahon. Haay, kaya lagi na kong magiging grateful sa mga nangyayari sa ‘kin. Pero syempre kailangang i-consider pa rin ang sitwasyon at depende na yun sa aking discretion kung paano ko siya gagawing significant sa buhay ko. Ipagdadasal ko na lang ‘yun.
Hanggang ngayon masakit pa rin ang hip part ko. Iba siya sa dysmenorrhea e. Yung tipong kada hakbang mo masakit sa may bandang puson. Huhu. Sana mawala na siya bukas paggising ko. Baka na-shock lang ako masyado sa pagkaipit ko. Yay tumunog ba naman kasi ang pelvic part e. Sana di ‘to malala. Gusto ko pang mabuhay.
:))